"

Pagdukot ni Manong Guard sa Alaga ni Vice Ganda, Sinadya Nga Ba o Aksidente Lang Talaga?



Alam mo ba 'yung pakiramdam na mayroong nakasagi sa iyong iniingatang bahagi, tapos hindi mo alam kung sinadya ba o aksidente lang, tuloy hindi ka makapagreklamo? Baka kasi ikaw pa ang masabihan na maarte o malaswa kung bibigyan mo ng kahulugan ang isang bagay na hindi naman pala sinasadya.

Marahil ay ganito ang naramdaman ni Vice Ganda nang mangyari ito sa kanya sa backstage sa isang concert. Pagkalabas niya kasi sa dressing room ay bumulaga ang isang security guard. Agad itong pumosing para maki-selfie sa Unkabogable na si Vice, 'yun nga lang ay napadpad ang kamay nito sa ibabang bahagi ng katawan ni Vice, sapul sa kargada ng komedyante.


Mabuti na lang at may nakapagvideo sa buong eksenang ito, kaya maaari nating masuri ang bawat saglit upang malaman kung sinadya ng gwardya ang nangyari. Ngunit kahit ilang beses nating panoorin ang video, hindi pa rin talaga natin masisigurado ang totoo. Sa isang banda, mukhang gustong gusto lang talaga ni Kuya na makakuha ng selfie kasama ang idolong si Vice. Napakalaki ng ngiti nito sa selfie nila!

Sa kabilang banda, pansin ng mga netizen na malayo pa lang si Vice ay tila nakaabot na ang kamay at braso ng gwardya na tila alam talaga kung saan niya gustong padapuin ang kamay paglapit ni Vice. Halatang nagulat si Vice sa nangyari, ngunit kagaya ng sabi namin kanina ay hindi siya sigurado kung aksidente lang ang nangyari kaya naman hindi na rin siya nagsalita.


Ang pangyayaring ito ay nagsimula ng isang mahaba at magandang diskusyon sa mga netizen, lalo na laban sa mga nagsasabing dapat ay matuwa pa si Vice Ganda dahil may nagkagustong humawak sa kanyang alaga. Hindi maganda ang pag-iisip na ganito dahil maaaring mangyari sa atin ang hindi magandang bagay na ganito.

Ano na lang ang mararamdaman mo kung pagtatawanan pa ng ibang tao ang karanasan mong ganito?



Source: Youtube
Pagdukot ni Manong Guard sa Alaga ni Vice Ganda, Sinadya Nga Ba o Aksidente Lang Talaga? Pagdukot ni Manong Guard sa Alaga ni Vice Ganda, Sinadya Nga Ba o Aksidente Lang Talaga? Reviewed by Daryl Madrid on 8:19 PM Rating: 5