"

Hindi Inakala ng Batang Kalyeng Ito na Matapos Ang Limang Taong Pangangalakal ng Basura, Limang Piso Lang Pala ang Babago sa Buhay Niya!



Hikahos man sa buhay at naturuan ng mga magulang niya si Jake ng magandang asal. Palaging ipinapaalala ng mga ito sa kanya na maging mabait at mapagmalasakit sa kapwa, at kailanman ay huwag manlalamang o huwag mang-aangkin nang hindi kanya. Araw-araw ding sinasabi ng kanyang ina na kung may pagkakataon ay pilitin nitong makatapos sa pag-aaral, para makawala rin sa hirap ng buhay na kanyang kinagisnan.

Dala-dala ito ni Jake sa kanyang paglaki, kahit pa noong limang taong gulang siya ay hindi inaasahang pumanaw ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Kahit naulila na ay nagsumikap si Jake na makapag-aral, dahil tanda niya lahat ng mga habilin sa kanya ng ama't ina. Nangalakal ito ng basura maghapon at magdamag, o tuwing wala siyang klase sa public school.

Isang araw ay may kailangang proyekto para sa paaralan, kaya magdamag hindi tumigil si Jake para lang kumita ng kinse pesos na siyang ambagan nila sa klase. Nang makarating sa junk shop bitbit ang kanyang nakalakal, swerte namang kumita siya ng bente pesos sa isang araw lang.

Sa kasamaang palad, may bumangga kay Jake habang tulak-tulak nito ang kanyang kariton, dahilan para mahulog mula sa kanyang bulsa ang limang piso.

Pambili niya na sana iyon ng kalahating kanin at sabaw sa karinderya, para naman hindi siya papasok sa eskwelahan nang may proyekto ngunit walang laman ang tiyan. Dahil diyan, hindi nagdalawang isip si Jake na lumusong sa maduming creek kung saan nahulog at gumulong ang kanyang limang piso. Dahil madilim, hindi gaanong maaninag ni Jake ang nilalanguyang dagat ng basura. Nang may nakita itong kumikinang ay agad niyang sinapo, at umahon na siya. 'Yun nga lang, hindi pala ang kanyang limang piso ang kanyang nakuha!

Ang nakuha niya ay isang bagay na talagang napakalaki ng halaga-- isang gintong singsing! Halatang halatang tunay itong ginto dahil konting linis lang ay bumalik ang kinang nito, kahit nanggaling na sa ilalim ng maburak na creek!

Alam ni Jake na malaki ang halaga nito, at maaari pang umabot ng daang libong piso dahil mabigat ang ginto!

Ngunit imbes na dalhin sa alahera para pagkakitaan ay magdamag inaninag ni Jake kung mayroong nakasulat na pangalan sa singsing. Sa wakas ay nakita niya ang pangalang naka-engrave dito: Ruth Alajid.


Kinabukasan, hindi na pumasok ng eskwelahan si Jake. Hindi siya talaga mapakali hangga't hindi nahahanap ang may-ari ng singsing, upang maibalik niya ito. Maghapon siyang nagtanong-tanong kung may nakakakilala kay Ruth Alajid, hanggang sa wakas ay may nakapagturo ng bahay nito sa kanya! Napanga-nga na lang si Jake nang puntahan ito at isang mansyon na mayroon pang swimming pool ang kanyang nadatnan! Kailanman ay hindi pa siya nakakakita ng bahay na ganito kaganda at kagara.

Saktong may matandang babaeng naghahardin nang siya ay dumating. Nahihiya pa si Jake na lumapit pero sa wakas ay naitanong niya, "Kayo ho ba si Ruth Alajid?"

Matamis na ngiti ang isinagot ng matandang babae sa kanya, sabay sabing, "Oo, hijo. May nagturo ba ng bahay ko sa iyo upang makapanlimos ka? May pagkain sa loob, halika't pumasok ka!"

Nagulat si Jake sa napakabait na pakikitungo ng babae sa kanya ngunit naalala niyang hindi siya pumunta sa bahay na iyon para kumain.

"Aling Ruth, ibibigay ko lang sana ito. Nakuha ko sa creek, nahulog kasi yung limampiso ko pero hindi ko na nahanap. Ito nakuha ko don."

Nanlaki ang mga mata ni Ruth nang makita ang singsing sa kamay ng bata. Kahit napakarungis ay napayakap siya dito, at lubus-lubos ang kanyang pasasalamat.

Kuwento niya, sa asawa niya ang singsing na iyon, ngunit nanakaw ng kanilang kasambahay ilang linggo lang matapos itong pumanaw. Ito na nga lang sana ang tanging alaala niya sa asawa, lalo pa't hindi sila nahilig na kumuha ng mga litrato.


Agad na pinapasok ni Ruth si Jake sa mansyon, at hinainan ng napakaraming masasarap na pagkain. Doon na rin niya binitawan ang mga salitang makakapagbago sa buhay ni Jake. Matapos malamang ulilang lubos na rin ang bata, ito ang sinabi ng matanda:

"Dito ka na titira mula ngayon, Jake. Hindi kami nagkaanak ng aking asawa kaya napakalungkot ko sa malaking bahay na ito nang siya ay mawala. Aakuin na kitang parang akin. Pag-aaralin kita at kahit kailan hindi ka na mangangalakal ng basura. Salamat sa iyong katapatan at natutuwa akong marinig mula sa iyo na hanggang ngayon ay naaalala mo pa lahat ng mga turo ng iyong mga magulang sa'yo. Siguradong gugustuhin nila na matamasa mo ang buhay na ganito."

Naiyak na lamang si Jake sa narinig. Hindi makapaniwalang nang dahil sa nahulog niyang limang piso ay ganito na ang buhay na naghihintay sa kanya.

Hindi Inakala ng Batang Kalyeng Ito na Matapos Ang Limang Taong Pangangalakal ng Basura, Limang Piso Lang Pala ang Babago sa Buhay Niya! Hindi Inakala ng Batang Kalyeng Ito na Matapos Ang Limang Taong Pangangalakal ng Basura, Limang Piso Lang Pala ang Babago sa Buhay Niya! Reviewed by Daryl Madrid on 10:46 AM Rating: 5